"Fauleen, iyong kape raw ni Sir Lincoln." Isang tipid na tango lang ang isinagot ni Fauleen kay Sally. Kinuha niya ang tasa ng kape sa may island counter at saka iyon ibinigay kay Sally. "Ito na," aniya rito. Saglit na tiningnan lang ito ni Sally tapos ay tinaasan siya ng kilay. "Hindi ako ang magdadala niyan, ikaw," masungit na sabi nito. Bumuntong-hininga siya. "Akala ko ba gusto mong ikaw na ang magdadala?" tanong niya rito. Nang mga nakaraang araw kasi ay ito na ang naghahatid ng mga kape ni Lincoln. Well, she kind of avoided the guy. Hindi naman totally kasi paano naman ang plano niya, pero kailangan lang talaga niyang lumayo muna bago pa bumaluktot na naman ang nararamdaman niya at mas ma-guilty siya sa ginagawa niya. Umirap si Sally sa kanya. "Sabi ni Sir, ikaw na nga raw

