Masayang gumising kinabukasan si Fauleen. Halos hindi na mapigtas ang kanyang labi nang mag-inat siya. Umalis siya ng kama at saka dumiretso sa banyo. Naabutan niya pa si Lincoln sa may sink na nagshi-shave. Ngumiti siya at nilapitan ito. "Morning," bati niya at tumabi rito. "Morning, baby," sabi naman nito. Kinuha niya ang kanyang toothbrush at pang-mukha tsaka naghilamos gumilid naman si Lincoln para bigyan siya ng space sa sink. Naghilamos siya roon habang rinig na rinig niya ang tunog ng razor ni Lincoln. Halos sabay pa silang natapos sa ginagawa. Agad na napapikit siya nang yumakap mula sa kanyang likod si Lincoln. "Hmm. I'm guessing you'll be finalizing your portfolio now, huh," sabi nito tapos ay hinalik-halikan ang kanyang pisngi. Napangiti na lang siya. Humawak siya sa n

