“Jusko, Fauleen! Mabuti naman at bumaba ka na!” Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Fauleen sa kanyang Yaya na agad sumalubong sa kanya pagkababa niya ng hagdan. It’s the next day. Kahapon ay wala na siyang ginawa kundi ang magmukmok lang sa kwarto nila ni Lincoln. The whole day, nasa kama lang siya at walang ginagawa.Wala rin siyan kinakausap kundi si Lincoln. Hindi nga mapakali si Linc sa opisina kahapon at panay pa ang tawag sa kanya nito the whole day. Napapailing na lang siya rito. Hindi siya bumaba kahapon dahil ayaw niya munang makipag-usap sa kahit kanino. Pinaakyat na lang din niya ang kanyang sketch pad sa itaas at doon na lang mag-drawing at tapusin ang mga drawings niya. She really just needed to rest that day. Now, she’s ready to go back to her usual programming. “Mornin

