"Nagkaroon ng amnesia si Jack, hija. Kahit kami nabigla din pero sabi ng doctor temporary lang naman yon dahil after a week ay naalala nya din kami agad. Yon nga lang hanggan lang sa year na hindi ka pa nya nakikilala. As you can see, nag-iba ang ugali nya at facial expression. Masungit, snob, laging nakasimangot, laging seryoso at kung ano pang makita mo sa kanya ay sadyang ganyan sya nong hindi ka pa nya nakikilala.." mahabang litanya ng Mom ni Jack habang nakaupo silang tatlo sa living room kasama ang asawa nito. Katatapos lang nilang mag-lunch at nagkaroon sila ng oras na mag-usap habang hindi pa tapos ang tatlong kumain. Nasa dining room naman si Jack kasama ang kapatid nito pati na rin ang anak nila. At laking pasasalamat nya dahil kahit walang maalala ang binata ay parang tanggap n

