AERIN
"You told them that, and they actually believed you? Seriously?" that's my bestfriend's reaction when I told her the whole 'pag-arte' thingy kanina.
"Well, yeah. And isang tao lang yon so, she's just a 'she'. And of course she'll believe me. Will you really think that this kind of face will tell you a lie?" I told her while giving my most innocent look.
"So tingin mo, gagana sa akin yang pa-inosente mong itsura? Nah." iiling-iling na sabi pa nya.
Sus! As if! Eh diba nga kanina nadala din sya dun sa kadramahan ko? Kaya nga nya ako tinulungan diba?
"But the bottom line is, I got the job. I am now the official cutie pie nanny of Nicolo Ilustre. And within 2 months, maibibigay ko na kay Mr. Tamayo yung kailangan naming news about sa First Family. And I'm gonna throw it sa ugly face ni Andrea para mas lalo syang pumangit!" proud na proud na sabi ko pa.
Natigilan ako nang bigla syang magseryoso.
"Pero tulad ng sinabi ko sa'yo, AC, mag-iingat ka dyan. Hindi naman kasi basta-basta yang pinasok mo. If malalaman ng kahit sino man sa palasyo yang kasinungalingan mo, ewan ko na lang sa'yo. Pero if ever, swerte ka kung yung nasa palasyo yung makakadiscover nyang pagpapanggap mo. Kung yung family mo kasi, lalong-lalo na yung Ate mo, alam ko kung saan ka pupulutin." bigla naman akong kinabahan sa sinabi nyang yon. Yeah, alam ko kung saan ako itatapon ni Clarence. Alam na alam kasi nya na ayoko sa London dahil mag-isa lang ako don at kailangan kong pagtrabahuhan yung panggastos ko. Ugh!
Umiling ako sa kanya.
"Anne, I can assure you na matatapos at matatapos ko yung assignment ko na walang bukingan na mangyayari. Trust me okay?" sabi ko sa kanya.
"If you say so. Basta, goodluck and mag-iingat ka ha. And isipin mo na rin kung anong excuse yung sasabihin mo sa Ate mo kapag tinanong nya kung saan ka maglalagi sa mga susunod na panahon."
"Oo--"
"And speaking of your dear sister, ayan na sya, papalapit sa atin." of course, hindi ko na naman naituloy yung sasabihin ko tulad ng laging nangyayari, ugh!
"Hey Anne. Hey Mila." yeah, Clar's here. As usual, masyado na naman syang maganda kaya pinagtitinginan sya ng mga tao dito sa coffeeshop.
"Hey Rencie!" bati sa kanya ni Anne.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.
Amused na ngumiti naman sya sa akin.
"Whoa! What's with your tone, li'l sis? I was just around the corner and I saw you here, so I stopped by to say hi."
"Rencie, wag mo na lang pansinin yang kapatid mo dahil nag-iinarte lang yan. Meron kasing inassign sa kanya yung boss nya so---" pinandilatan ko ng mata yung bwisit kong bestfriend para hindi nya ituloy yung sasabihin nya. Hindi pwedeng malaman ni Clarence kung ano yung ginagawa ko dahil patay talaga ako sa babaeng 'to. Jusme.
"You were assigned to?" see? Masyadong curious 'tong kapatid kong 'to eh. May pektus talaga sa'kin 'tong si Annetot mamaya.
"To cover something. Pero it's not that important. But I have to go to Davao para dun sa news na inassign sa akin. I might have to stay there for a month or so." and hindi na rin muna ako tumingin kay Anne dahil alam kong tinitingnan nya ako ng may halong pang-uusig.
"For a month? Isn't it too long for a 'not important news' ?" ugh! Daming tanong talaga. She even used an 'air quote'.
"Magbabakasyon din ako, Clar. Gusto ko din naman mag-unwind after nung assignment ko." sabay ngiti ko sa kanya para hindi nya mapansin yung pagsisinungaling ko. Ang galing kasing bumasa ng isip nitong babaeng 'to eh. Kaya nyang malaman kung nagsisinungaling ka, or hindi.
"Can I come?" the fck? Ang hirap namang lumusot sa babaeng 'to o.
Umiling ako sa kanya.
"Nah. Sa iba ka magbakasyon. Sama mo si Maybelle. Hayaan mo akong mag-isa lang don. Kailangan kong mag-isip para makalimutan yung sakit na nararamdaman ko." pag-arte ko sa kanya.
"Really? Mila? You don't even have a boyfriend, duh. And you've never been in a relationship AT ALL." ay wow. Eh di sya na yung ilang beses na nagkajowa. Sya na yung maganda.
"So porke walang lovelife, hindi na pwedeng masaktan? Hindi ba pwedeng unrequited love?" pag counter ko sa sinabi nya.
"So, who's the lucky guy?" and she's wearing her playful smile again. Ganyan sya pag alam nyang nagsisinungaling ako sa kanya.
I rolled my eyes and playfully hit her arm.
"Fine. Wala na kung wala. Daming mong alam, Clar. Basta, wag kang sasama, gusto kong mag-isa. Yayain mo na lang sa ibang lugar yung jowa mo." natatawang sabi ko sa kanya.
Si Anne, ayun, amused na amused lang na nakatingin sa aming dalawa ni Clarence.
"But I want you to meet my girlfriend. It was unfortunate that you had to be with your boring friends when she went to our house. You'll like her. She's funny and everything." and ayan na naman yung dreamy face nya. Everytime na lang na kinukwento nya si Maybelle, ganyan yung itsura nya.
"You're being a sap again, Clar. Stop that. It's kind of annoying." sabay irap ko sa kanya.
"And Rencie, isa kasi ako dun sa boring friends na sinasabi mo so sana nag-excuse me ka naman."
"I know, Anne. I said that on purpose." natatawang sabi naman ni Claren.
"Tse! Magkapatid nga kayo. Wala kayong alam gawin kundi apihin ako." eww, ang pangit talagang magpout ni Anne. Ang sarap pitikin sa ilong.
"Whoops! I have to go." sabi ni Clarence while checking her phone. "Girlfriend duties. And Mila, goodluck with that 'assignment' of yours." yun lang at umalis na sya pagkatapos nyang bumeso sa amin ni Anne.
"Hoo! Buti na lang nagtext si Maybelle dahil kung hindi, marami pang itatanong sa'yo yung Ate mo." at parang si Anne pa yung mas nakahinga ng maluwag.
"Yeah. Pero the good thing is, nasabi ko sa kanya na matagal akong mawawala. At least diba naniwala sya dun sa alibi ko na gusto ko lang talagang mag-isa. Alam mo na, kailangan ko kasing magstay dun sa palasyo para lang mabantayan si Nicolo eh." nakangiting sabi ko naman sa kanya.
"Well yeah. Pero ready ka na ba talaga? May oras ka pa para tigilan yang kahibangan mo."
Umiling ako sa kanya.
"Nope. Sinimulan ko 'to, kailangan ko syang tapusin." determinadong sabi ko sa kanya.
At walang makakapigil sa akin sa gagawin kong 'to. Kahit ano, or sino pa yan.
***
"So, eto yung mga kailangan mong gawin. Una, kailangan mong gisingin si Nicolo ng ala-sais tuwing school day, tapos ihahanda mo yung pagkain nya." tumigil muna si Ate Julieta at tumingin sa akin. "Marunong ka namang magluto diba?" tanong nya sa akin. Nanlaki naman yung mata ko. Ako? Magluluto? As in? Diba may cook naman sila? Fudge, ni prito hindi ako marunong, kung anong luto pa kaya?
"Aerin?" naputol yung pagmomonologue ko nang tawagin nya yung pangalan ko.
"Po?" maangan ko.
"Tinanong kita kung marunong kang magluto."
Tumango naman ako sa kanya. Shet!
"Oo naman po Ate Julieta. Kahit anong putahe, kaya ko pong lutuin." ayan, nadagdagan na naman yung kasinungalingan mo, Aerin. Lubog na lubog ka na sa kumunoy jusko ka.
"Good. Masyado kasing mapili si Nico sa pagkain eh." patay kang bata ka, Aerin. Inames ka. Dami mo kasing alam. Dapat tinapat mo na lang na hindi ka marunong.
"Ano pa po?" saka ko na poproblemahin yung inames na pagluluto na yan. Kumakain naman siguro ng pancit canton si Nicolo. Sa ngayon, yun lang alam kong lutuin. Minsan, malabsak pa.
"So yon, pagluluto mo sya, tapos papaliguan mo, then bibihisan mo. After non, ihahatid mo sya school nya and babalikan mo na lang sya kapag uwian na. Ayaw nya kasi na binabantayan sya sa school. And then after umuwi, bibihisan mo ulit, ipagluluto mo sya ng meryenda." luto na naman? Ge, bili na lang ako ng cup noodles tapos isalin ko na lang sa lalagyan para kunwari niluto ko.
"Tapos titingnan mo kung may homework sya, pagkatapos nyo non, pwede mo syang paglaruin ng mga dalawang oras pero sigurado ako na magbabasa lang sya ng libro sa mga panahong yon. And then, lilinisan mo sya and ihahanda na para matulog. Ganun lang araw-araw yung gagawin mo. Pag weekends naman, wala namang masyadong ginagawa yung batang yon kundi magbasa lang ng magbasa kaya hindi ka naman magkakaproblema sa kanya." aba, batang Einstein ata yung aalagaan ko. Nakakaloka, bakit feeling ko, mas matalino pa sya sa akin?
"So ngayon, itu-tour muna kita dito sa buong 'kabahayan' para mafamiliarize mo din yung gagalawan mo." Ayun! Eto na yung pinakahihintay ko. Abot-kamay na si Mr. President at yung buhay pag-ibig nya. Mukhang tiba-tiba ako dito ah.
"Ate Julieta, question pala, bakit kailangan mong magresign? Eh mukhang maganda naman yung trato nila sa'yo dito?" ganyan nga Aerin, magtanong ka lang. Hihi.
"Oo naman. Kung sa trato at pasweldo, wala naman talagang problema. Mababait naman yang mga Ilustre. Kaya lang, kailangan ko na kasing pagtuunan ng atensyon at oras yung pamilya ko eh. Kaya eto, kailangan kong umalis. Pero mabuti na rin naman diba? At least dahil sa pag-alis kong 'to, matutustusan mo yung pangangailangan ng mga kapatid mo diba?" nakangiting sabi nya sa akin.
Huh? Kapatid? Si Ate Clarence? Eh kayang-kaya na nong tustusan yung sarili nyang pangangailangan no! Bakit naman ako magttrabaho para tustusan sya, neknek nya no!
"Kapatid?" tanong ko sa kanya.
Takang tumingin naman sya sa akin.
"Oo diba? Sinabi mo kahapon kay Manang Amelia na kaya mo ginagawa lahat 'to eh para sa mga kapatid mo?" noon ko lang naalala yung mga pinagsasabi kong kalokohan kahapon. Bobo, Aerin! Mabubuking ka ng wala sa oras.
"Ah." sabi ko sabay tawa at hampas ng mahina sa balikat nya. "Ikaw naman Ate Julieta, tinetesting ko lang naman kung may alam ka tungkol sa akin no! In fairness, ang galing mo don. Hahahahaha." shet, sana kumagat sya. Pakatanga mo na naman kasi, Aerin eh.
"Oo. Nakwento kasi ni Manang Amelia yung pinagdaanan mo sa amin. Grabe, kung ako siguro yon, hindi ko kakayanin yon. Mabuti na lang at nagpakatatag ka para sa mga kapatid ko. Kahanga-hanga yung ginagawa mo." opo, kahanga-hanga talaga yung mga kasinungalingan ko. Ang daming napapaniwala, hindi po ba?
Wala na Aerin, sinusunog na talaga sa hell yung soul mo dahil dyan sa mga kasinungalingan mo.
"W-wala po yon. Gagawin ko po talaga lahat para maiahon sa kahirapan ang mga kapatid ko. Para naman po kahit minsan, maikain ko naman po sila sa jolibi. Iisang beses pa lang po kasi kaming nakakakain don, at hati-hati pa po kami sa isang peach mango pie." ayan, nagpaawa na naman ako. Iba ka talagang gumawa ng kwento, Aerin, isa kang alamat!
Pwede ka na sa remake ng 'the girl who cried wolf. At sana kainin ka ng wolf para matigil na yang kasinungalingan mo.
At dahil sa pagmumuni-muni ko, hindi ko namalayan na wala na pala sa tabi ko si Ate Julieta.
Tingnan mo 'tong babaeng 'to, nagkukwento ako tapos bigla akong lalayasan. O baka naman hindi naman pala sya talaga totoong tao? Baka multo lang yon ng dating tagapag-alaga sa Malacañang. Jusme. Nawala sya ng parang bula. Nakakatakot, unang araw pa lang, minulto na ako? Eto na yata yung kabayaran sa lahat ng mga kasalanang ginawa, ginagawa, at gagawin ko pa lang.
At natigil lang yung kahibangan ko nang bigla akong may narinig na parang tumutugtog ng kung ano mang instrumento. In fairness ha, ang galing nya kung sino man sya.
At wala sa sariling sinundan ko yung tunog. Habang papalapit ako ng papalapit, hindi ko alam kung bakit parang nagssomersault yung puso ko. Hindi ko alam kung excited ba ako, kinakabahan or natatakot. Malay ko ba kung multo din yang tumutugtog na yan diba? Uso kaya yan sa mga malalaking bahay na ganito. Jusme. Unang araw pa lang, dalawang multo na agad?
Nang masigurado ko na dito sa kwartong nasa harap ko nanggagaling yung tunog, unti-unti akong sumilip dahil nakabukas naman yung pinto.
At ganun na lang yung paglaglag ng panga ko nang makita ko kung sino mang nilalang yung tumutugtog ng violin.
Sabihin nyo nang OA pero sya na yata yung pinakamagandang babaeng nakita ko. Well, maganda din naman ako pero iba yung ganda ni Atengkor. Parang reincarnation ni Mama Mary. Ang ganda at ang amo ng mukha nya. At kahit nakapikit sya, sigurado akong mas gaganda sya kapag nasilayan ko na yung mga mata nya.
At mas nagpaganda sa kanya yung pagtugtog nya ng violin ngayon. Alam mo yung mapapapikit ka na lang para namnamin yung tinutugtog nya?
Para kang hinehele. Yung feeling mo nasa ulap ka habang nakikinig sa kanya. Ganon.
Pero bigla akong napamulat nang tumigil yung pagtugtog. At ganun na lang yung pagsikdo ng puso ko nang may marinig akong boses.
"Snooping is rude." cold na pagkakasabi ng babae sa harap ko.
At tulad ng mga nangyayari sa pelikula, unti-unti syang humarap sa akin at sumalubong agad sa akin yung malamig na tingin nya na kasing lamig ng tono ng boses nya kanina.
Oh my gosh. I'm doomed!