AERIN "Ang kapal ng mukha! Akala mo kung sino na kung makaasta! Makapagsalita sya na gawin ko yung trabaho ko ng maayos ha! As if naman sya yung nagpapasweldo sa'kin diba? Saka sino ba sya? Masyadong matapobre. Sus!" ayan na naman po ako sa monologue ko. Pero sa ngayon, hindi ko lang sya sa isip sinasabi. Kailangan kong ilabas 'tong inis ko sa babaeng yon. "Oo na! Na-late na ako kanina! Pero wala syang karapatan na pagsalitaan ako ng ganon no! Kasalanan ko ba na tumambay ako sa twitter kagabi para ipagtanggol si Camila sa mga haters nya? Mga fans daw pero kung i-bash naman si Camila dahil sa akala nila na umalis sya sa fifth harmony. Sus!" Hindi na talaga ako natutuwa sa kanya. Kahapon pa sya. Sayang, nastar-struck pa mandin ako nung unang beses ko syang nakita. Pero maganda nga sya, a