AERIN "Sure ka ba na okay lang? Baka mamaya, ipahuli ako ng kapatid mo." Kinakabahang bulong ko kay Sofia habang papasok kami sa mansyon. Inihatid ako dito nila Klarisse dahil kailangan na daw naming simulan yung plano habang andito pa si Olivia sa Pilipinas. Kapag daw kasi nagpunta na sa s'ya sa states, mas mahihirapan daw ako. At kasama pa daw yung pangit na si Kevin kaya mas lalo nila akong napapayag. Sabi pa n'ya, feeling n'ya, medyo mas nahimasmasan na si Olivia sa galit n'ya. Baka daw nakapag-isip-isip na, kaya kailangan na naming gawin 'to. At may ipinaalala pa si Klarisse bago ako bumaba at sunduin ni Sofia. "Tandaan mo, Aerin Camila, wag na wag kang magpapahalata na apektado ka sa presensya n'ya, kay Cardo mo lang kunwari ituon yung atensyon mo, okay? Magaling kang artista diba