AERIN "Ate Aerin!" doon ko lang inilabas yung paghingang kanina ko pa pinipigil. Hindi man lang ako ininform ni Sofia na nandito pala yung Mama nila diba? Eh di sana, mas pinaghandaan ko. Buti na lang talaga at mabait sya at hindi ako pinagtabuyan. Eh kaso mo, kakausapin pa daw ako mamaya. Tungkol saan naman kaya diba? Tapos, isa pa 'tong si Alyana, pinrovoke pa nya si Olivia kaya biglang ganun yung naging reaksyon nung isa. Napagbuntunan pa ako. Nasaktan ako sa sinabi nya kanina, pero tulad nga ng sabi ng Mama nya, galit lang yon. Pero medyo nawawalan na ako ng pag-asa na mahal pa rin nya ako. Hay, ang komplikado. Sobrang komplikado pala talaga pag nagmahal ka. Ipiniling ko yung ulo ko nang may marinig na tawanan. "There she goes again. Hindi na naman nya tayo pinapansin dahil nasa mal