AERIN "Excuse me, Ms. Harvey, ano na? Tatayo ka na lang dyan? Hindi ka papasok sa kotse? Or baka naman hinihintay mo na may makahuli sa atin?" noon lang naman ako natauhan nung biglang magsalita si Olivia. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng kotse pagkarinig ko sa sinabi nyang yon. Wala sa loob na ipiniling ko na lang yung ulo ko dahil baka kung ano pang isipin ng magkapatid na 'to. Nung hinawakan nya kasi kanina yung kamay ko nung papalabas kami, I felt something. Something na hindi ko maexplain kung ano. And nung nakalabas na kami at nasa harap na ng sasakyan nya, agad nyang binitawan yung kamay ko and I immediately missed the contact. Ang weird, sobrang weird. Mas weird pa sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng kapatid nya. Alam mo ba yung feeling na parang pinag-aaralan ka? Mukha