AERIN "Huy Ate Aerin!" ay Ate Aerin! Bigla naman akong napalingon kay Nico na nasa harap ko na pala. "O?" tanong ko naman sa kanya. "Are you sure you're okay? Kahapon ka pa ganyan. Gusto mo bang ipatawag ko yung doctor ko para ma-check ka?" nag-aalalang tanong pa nya. Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto nya. Halos kakauwi lang namin galing Tagaytay pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakahinga ng maluwag. Kamusta naman kasi na nung papunta ako ng restroom, bigla kong nakasalubong si Clarence. Mabuti na lang talaga, hindi nya ako napansin dahil busy sya sa pagtetext or kung ano man yung ginagawa nya sa cellphone nya. Kung nagkataon kasi, wala na, buking na agad ako. Lagot na ako sa boss ko, lagot pa ako sa mga Ilustre, at lalong lagot ako sa pamilya ko. O ano na Aerin, itutuloy