Pabalik na kami sa classroom ng masalubong naming si Zelle aba hang gaga di man lang namansin =___= “Ano namang nangyari dun ?” tanong ni Sophia at umiling naman kami, natural di din naming alam. Pagdating naming sa classroom iilan na lang ang naabutan namin “Anong nangyari kay Zelle ?” tanong agad ni Kath sa kanila at saka lumapit at kumapit sa braso ni Darwin “Ewan, basta pagdating nya dito nagmukmuk na yun! Hoy Jales pare anong ginawa m okay Zelle ? di ba ikaw ang kasama nya kanina para maglibot libot dito sa school ? imposible namang pagtangkaan mo sya” deputa ano daw ? Pagtangkaan ? Tumingin ako ng masama kay Jales pero nagpoker face lang naman sya “Unang una at hindi sa huli wala akong ginagawa kay Majesty kaya kung ako sa inyo mananahimik na lang ako” sabi nya samin at naglakad na palabas sa classroom “Defensive ?” natatawang sabi ni Anthea at lumingon naman si Jales samin “Pag hindi nagsalita sasabihan nyo ng guilty tapos pag nagsalita naman sasabihan nyo ng defensive! Utak nga naman oo” at ayun na nga tuluyan na syang umalis.
“Oo nga noh ?” biglang sabi naman ni Kath at napatingin kaming lahat sa kanya “May point dun si Jales” dagdag pa nya at umupo sa tabi ni Darwin “At dahil jan tara na papa Darwin date tayo” dugtong nya pa na may kasamang napakalawak na ngiti na gamit ang napaka landi nyang boses “Sure mama Kath” pagsasabay pa ni Darwin at ang tingin naming ? Ayun parang nandidiri na ewan “Grabe naman kayo makatingin samin para namang may nagawa kaming napaka laking kasalanan para bigyan nyo ng ganyang klaseng tingin” sabi naman ni Darwin at lumapit sa kanya si Cold sinabing “Meron talaga” saka tinapik ang balikat “Ah so ganun ? Kasalanan na pala ang lumandi ngayon ha ?” painosente pa tong si Kath, nakita kong napasapo si Anthea sa noo nya kaya napatingin ako sa kanya “Alam nyo ? Sakit nyo sa ulo wala na kayong ibang alam gawin kundi lumandi ng lumandi” sabi nya at sumandal sa mesa “Inggit ka lang eh” sabi naman ni Kath at nag tongue out “Puputulin ko yan kita mo” naiirita namang sabi ni Anthea halatang halata kasi sa boses nya na iritang irita na sya.
“Wag naman! Wala na akong ipanglalaban sa French kiss pag ginawa mo yan, baka mamaya hanap hanapin nila ang torrid kiss ko” sabi nya at nag pout napataas naman tuloy ako ng kilay magsasalita na rin sana ako kaya lang naunahan ako ni Cry at Anthea “EWW GROSS!” saka nagtawanan ang lahat “Oh Aly wala ka ata sa mood ngayon” pagpansin naman sakin ni Kath at umirap naman ako sa kanya “Walang may paki”sabi ko at umupo na “Alam mo Kath malapit na ako sa boiling point ko sayo isa pang landi sa hara ko ingungudngud na talaga kita” napa “Oww” naman silang lahat itong gaga na to nag smirk lang.
“I know you cant do that, you have a criteria for everything and Im not included” sabi nya at nag wink saka naman sya inirapan ni Cry, di ko alam kung anong takbo ng isip ng mga to. Siguro yan na din ang kanya kanyang dahilan ng parents nila para ipadala sila dito. Itong si Kath nasobrahan ata sa landiciline capsule eh samantalang tong si Sophia eh Malditaciline at itong si Anthea ? AH nevermind =___= “Sophia if naiinggit ka pwede naman tayong magdate” sabi ni Zake and we’re just like. What The Hell ? “Oh common Zake you’re not my type so back off” sabi naman ni Sophia at nag ayos na ng gamit nya “I’ll buy you more chocolate” dagdag pa ni Zake at lahat naman kami nakatingin kay Sophia samantalang sya napatigil sa ginagawa nya pero ibinalik pa rin ang pag aayos ng gamit nya “Seriously Zake is that you ?” natatawang sabi ni Fritz “She change me” nakangiting sabi ni Zake.
“Hay pag ibig nga naman nakakacorny ng tao” sabat naman ni Cold at umupo ulit “Palibhasa kasi di mo pa nararanasan mainlove” pang aasar naman sa kanya ni Chester na naging dahilan ng pagtawa ng lahat “Shut up” kami ni Anthea nakatingin lang kung pano magkulitan ang mga boys parang ewan eh nagsasakalan tapos nagtatawanan nakakasakit kaya yan. “May boyfriend ka di ba ?” biglang sabi ni Anthea at napatingin naman ako sa kanya “Sino ako ?” tanong ko malay ko ba baka naman kasi si Sophia ang kausap nya “Hindi sya, yung katabi mo sa kaliwa. Para namang may iba pa akong katabi dito noh ?” pamimilosopo nya sakin =___= babaeng to masyadong mabilis uminit ang ulo “Chill, wala akong boyfriend” joke lang yan ayoko lang pagpyestahan ang love life ko “Liar” sabi nya at tumingin sa mga lalaki saka naman lumapit si Sophia samin “Sa sobrang sarap ng mga kalalakihan, sila sila na rin ang nagtitikiman. Kadiri dba? Tangina, well.. That's life.” Dahil sa sinabi ni Sophia eh napahagalpak nal ang kami sa pagtawa dahil sa priceless na mukha nila.
“Hoy kadiri di kami bading” agad na sabi ni King at napailing naman si Sophia “Tara na Zake ibibili mo pa ako ng maraming chocolates” ano daw ? Seriously ? Pumayag sya ? Nagkatinginan na lang kaming tatlo nila Katherine at Anthea saka kami nagkibit balikat tapos lumabas na yung dalawa sa classroom “Ayos nakadali si pare”sabi ni Ervin “Ikaw kasi nganga”sabi naman ni ANthea at ngumiti lang si Ervin “Tarantado lang ako pero marunong din naman ako maghintay” sabi nya at tumingin sakin kaya naman tinaas ko kilay ko “TInitingin tingin mo jan ?” saka naman nya tinaas ang kamay nya “Wag ka dito magtaray Aly” tss whatever, imbis na sagutin ko sya nanahimik na lang ako “Tara na Papa Darwin” pagyayaya naman nitong isa at ayun umalis na sila ang naiwan na lang dito sa classroom ako, si Anthea, Cold, Axcel, Fritz, King at Ervin. “Hatid na naming kayo” biglang sabi ni Axcel at umiling naman tong si Anthea “Kaya na naming ang sarili naming, no thanks. May dadaanan pa din kasi kami ni Aly kaya mauna na kami” sabi nya at tumingin sakin “Tara” yaya nya at nag nod naman ako.
Hindi ko alam kung pano ako napaOO ng lalaking to na makipagdate sa kanya but for the pates sake of chocolate kailangan kong pagtiisan ang lalaking to, habang naglalakad kami may isa kaming boutique na nadaanan kaya naman sinabihan ko sya na maghintay lang saglit sa labas tapos may tinanong ako sa loob paglabas ko abah naman “Oh nice sya ba ang bago mo ?” tanong nung babae na ikinataas ng kilay ko “Don’t mess with her Audrey you don’t know her” abah naman mukhang may masasamplelan nanaman ako ngayon ah! Sorry miss di ka kasi nakikinig sa lalaking to eh don’t mess with me nga di ba ? di ba sya nakakaintindi ng English ? Tinitigan ko lang naman sya at lumapit naman sya sakin and she snapped me “Bat ang sama mo makatingin miss new ?” ano daw new ? tsk babaeng mabababa nga naman oo “Bakit ang sama mo tignan ?” innocent face alert. No one can beat! “Damn this new girl of yours Zake” sabi nya at nag smirk naman ako sa kanya “I told you before Audrey don’t mess with her” napailing na lang tuloy ako sa dalawang to “Miss nangangati yung kamay ko naghahanap ng masasampal pwede ba yang mukha mo ? wala naman atang virus yan di ba ?” pang aasar ko pa at halata naman sa kanya na naaasar na sya.
“Sorry pero kasi kakaretouch ko lang kaya di pwede” sagot nya naman sakin so lame “Ah kaya pala tingin nila sayo yaya ko” sagot ko at ngumiti sa kanya at lumapit kay Zake “Tara” yaya ko at naglakad na pero di pa kami nakakalayo nagsalita ulit ang babae “Habang tumatagal nagiging palaban ang mga babae mo Zake ah” what the ef! Idamay ba daw ako sa babaeng tinutukoy nya ? The hell! “Ikaw rin! Habang tumatagal mas lalo kang nagiging low class. Oppss I’m sorry, I didn’t mean to be maldita. It’s just an involuntary reaction whenever I encounter ugly people.” Hindi ko alam kung saan nahuhugot ng babaeng to ang lakas ng loob na magpakita at makipagtalo sa dyosang gaya ko “Don’t underestimate me b***h” sabi nya sakin at umiling ako “Im not a b***h! That’s too low for me!” at natawa naman sya nababaliw na ata “Ang sama ng ugali mo” sabi nya at napangiti naman ako “Masama man ang ugali ko pero mas masama naman ang mukha mo” pagkasabi ko nun bigla na lang may tumigil na kotse sa gilid naming “Hoy Audrey tara na tama na muna ang pakikipag away mas maganda yan sayo wala ka jang panama” at ayun umalis ng naiinis.
At salamat naman nakalayo na rin sa impaktitang babaeng yun, so lame. “Im sorry about that”sabi nya pero di nakatingin sakin “Bakit ka nagsosorry ? Ikaw ba ang nagsabi sakin ng mga yun ?” tanong na sagot ko naman sa kanya at narinig ko syang bumuntong hininga “Im sorry kung di man lang kita naipagtanggol dun alam ko naman kasing kayang kaya mo sya” sabi nya at ngumiti naman ako sa kanya “Sino ba yun ?” nacurious ako eh! “Bakit isa sa babae mo ang tawag nya sakin” dagdag ko pa. “She’s my ex-girlfriend, lahat na lang ng idedate kong babae pinapakialaman nya. She don’t have a care for me when we’re in a relationship but after I broke her up di na nya ako tinantanan” saklap naman nito may hipon ay di pala lollipop pala na babae to, maganda ang ulo pangit ang katawan mukha kasing tingting yung babae kanina “People come and people go... People that take you for granted don't start caring about you until you stop caring about them.” Sabi ko at nauna na maglakad “Tara na bibilan mo pa ako ng chocolates” first time ko maging komportable sa lalaki, ngayon lang to. Nagbabago na ba talaga ako ? Bakit parang di ko na kilala sarili ko ?