“Oh ano nanamang problema nyo sakin ha ?” bungad kong tanong sa kanila pagpasok na pagpasok ko sa faculty office “Ikaw nga ang dapat naming tinatanong eh! Bakit ka ba ganyan ?” nagpapantig ata tenga ko sa tinanong sakin ah “Bakit kailangan ko pa bang sabihin kung bakit ako ganito ngayon ? Wala namang mangyayari kung sasabihin ko di ba ? Bakit ba di nyo ako deretsohin ano ba ang gusto nyong sabihin ?” nakakairita na kasi eh, puro na lang pasegwey segwey ang ginagawa nila ni di man lang kayang sabihin ng harapan ano ba sila mga duwag ? Ang tatanda na naduduwag pa rin may mga posisyon naman =____= “May nagbigay samin nito” sabi nya at saka ipinakita ang picture na sakin “Oh, so pinagsususpetsahan nyo na ako ang nauna ng gulo ganun ? Bakit kaya di nyo itanong jan sa mga nakaaway ko kung sino nauna napapahiya kayo eh” napagasp na lang sila sa sinabi ko “Nasa Japan ka na Serenity wala ka na sa Pilipinas kaya pwede magbigay ka naman ng galang samin” inis na sabi nung isang teacher, tumingin ako sa kanya at napaatras naman sya “Sa tingin mo gaya mo kaya ang kailangan igalang ? Nagtatrabaho ka sa night club di ba ? Sa tingin mo gagalangin kita ?” nagulat na lang silang lahat sa sinabi ko walang may balak magsalita “Kung wala na kayong sasabihin aalis na ako” Pagsabi ko nun ay lumabas na ako. Hindi na ako pumasok pa nag nagstay na lang ako rooftop at natulog ng magising ako at tiningnan ang orasan. Oh 2 na pala makapunta na nga dun naglakad na ako pababa.
Tumakbo ako mula sa third floor ng building ng school naming, alam ko namang bawal eh pero anong paki nila eh gusto ko eh! Maraming lalaking nakatingin sakin natural all boys school to pero walang niisa sa kanila ang gusting haranggan ako. Try nila babagsak sila sa isang suntok ko lang, wala akong paki sa nababangga ko wala din naman silang magagawa eh! “SERENITY” sigaw sakin nung isa naming classmate at tumigil naman ako sa kakatakbo at tumingin sa kanya habang tumatakbo sya papalapit sakin “Saan ka pupunta ?” Ah si Axcel lang pala to “Makikipag laro” sabi ko at saka ngumiti “Laro ? Bata ka pa ba para mag laro ? =____=” napailing na lang ako sa sinabi nya, isip bata talaga ang lalaking to “Di laro na nasa isip mo sipain kita jan eh kung ano ano ang iniisip mo! Pumasok ka na dun may teacher na di ba ?” sabi ko at umiling naman sya “Walang teacher” sagot nya sakin at ngumiti “Sama ako makikipaglaro din ako” napasapo na lang ako sa noo ko seriously ? Nakakasundo ko ba talaga ang ganitong klaseng tao ? Parang nakakapanibago sakin “No need, alis na ko bye” pagkasabi na pagkasabi ko nun ay agad naman akong tumakbo papalayo. Buti na lang may teacher.
Saktong sakto pagdating ko dun nag aabang na sila sakin, lumapit ako sa kanila at saka umupo sa upuan na malapit dun “Sino nagsabing pwede kang umupo ?” sulpot ng isang babae, oh~ sya yung kapatid ni Jales sa pagkakatanda ko ee “Bakit sino ka ba para magpaalam ako sayo kung pwede akong umupo hindi, sino ang makikipaglaban sakin ? Dalian nyo na kung gusto nyo sabay sabay na kayo” di ako nagmamayabang sadyang kaya ko lang talaga sila sa mga katawan nilang yan ? Halatang wala man lang ka-abs abs. “Kami ba minamaliit mong babaeng taga pilipinas ?” sabi nung isang lalaki at napasmirk naman ako “Kingna ka ba ? Hahaha puta di naman pilipinas ang pangalan ko noh!” nakita ko naman sa mga mukha nila ang inis sakin “Oh bakit ? Wag nyong sabihing napikon kayo sa sinabi ko ? So lame” dagdag ko pa at ayun na nga nagsimula na ang laban.
Sa simula easy easy lang ako pero di ko akalaing pagdating sa kalagitnaan may mas marami pa palang dadating s**t bat ba napaka reckless ko ngayon ? Puta naman oh! Pero kahit na hirap na hirap na ako pinipilit ko pa ring makipag laban sa kanila di naman kasi pwedeng sumuko ako baka mamaya may nanonood nito sa pinas at nakarecord edi nasira ang image ko mawawalan sila ng respeto sakin, pero kung sabagay ano ba namang paki ko sa respeto nila ? Parehas lang naman kung mawawala ang respeto nila kasi di ko naman sila nirerespeto. Nagulat na lang ako ng biglang may matigas na kung ano ang pumalo sa likod ko na naging dahilan para ikabagsak ng katawan ko, s**t bakit ba ganito ang labanan dito ? Putang ina bakit ba napakahina ng katawan ko ngayon. Sinipa lang nila ako ng sinipa, feeling ko mawawalan na ako ng malay ng bigla na lang ako makarinig ng ingay at may lumaban sa kanila medyo nanlalabo na ang mata ko kaya di ko na makita at sa bandang huli nawalan na ako ng malay.
“Yung babaeng yun talaga tinamad nanaman ata yun kaya di pumasok” sabi ni Kath at naupo sa desk, wala talagang paki ang babaeng to kahit nakapalda feel free pa rin gumalaw “Siguro, kilala mo naman ang babaeng yun” sabi ko at umupo ng maayos “Ah nga pala balita ko may bagong transfer student dito sa school natin ah mga lima ata yun” singit ni Fritz sa usapan naming “Lalaki ba ? Hahaha kaexcite gusto ko ng bagong mukha nagsasawa na ako sa mukha nyo, halos lahat ata ng labi nyo natikman ko na” nagulat ako sa sinabi nya kaya naman napatingin ako kay Kath at saka ako tumingin kay Zake “Except me” agad na sabi ni Zake at napaisip naman si Kath “Ah yeah except sayo” natatawa nyang sabi. “Wag mo ko isali jan sa sinasabi mong pinagsasawaan mo na” dinig kong sabi ni Cold. “GUYYYYYS” biglang sulpot ni Axcel sa usapan naming “Oh bakit ? Hinabol ka na ba ng isang libong aso ?” poker face kong sabi at natawa naman sila, yung pagmumukha nya kasi parang di na tao “Heh! May tatanong ako, anong meaning ni Serenity sa LARO” nagulat na lang ako sa laro nya at saka ako tumingin kay Kath.
“Sa pagkakatanda ko para sa kanya ang salitang LARO ay pakikipagbugbugan ganun, bakit ?” agad na sagot ni Kath. “So ibig sabihin makikipag bugbugan sya ?” napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya, ano makikipagbugbugan ? The ef! Hanggang dito ba naman dadalhin nya ang ganun nyang klaseng ugali ? “Anong ibig mong sabihin ?” tanong ko at tumayo “Kanina kasi nakita ko sya tapos tinanung ko kung saan sya pupunta sabi nya makikipaglaro lang daw” automatic na lang na napatakbo ako palabas ng classroom, s**t that gangster lagi nya na lang pinapahamak ang sarili nya puta kung di lang dahil sa binigay na task sakin di ko sya hahabulin. Alam kong sumunod ang iba naming classmate sakin pero wala akong paki dun. Hinanap naming sya kung saan saan hanggang sa may nakita kaming isang grupo na nagkukumpulan at nung makita naming kung sino ang sinisipa “SERENITY”sigaw ng karamihan at saka sumugod.
Syempre papatalo ba ako ? Maldita lang ako sa paningin ng iba pero marunong din ako makipag away di lang naman ako eh si Katherine din pero mas pinili nyang tumabi kay Anthea, ang babaeng yun talaga walang ibang ginawa kundi ang sirain ang buhay nya. Teka kung makapagsalita ako kala mo eh di ko din sinisira ang buhay ko. Naglakad ako papunta sa nag iisang babae, eto ata ang naghamon “Psst~ Anata Minikui” sabi ko na may pang aasar na ngiti [Anata Minikui means You ugly] naasar naman ata sya sa sinabi ko “ Dono yu ni anata o aete” [Dono yu ni anata o aete means how dare you] inirapan ko lang naman sya sa sinabi nya “Wanna be ha ?” naglakad ako papalapit sa kanya samantalang sya naman humakbang patalikod “Koshinuke eh” dagdag ko pa [Kushinuke means coward] “Urusai” [urusai means shut up] napangiti na lang ako sa kanya at saka ko hinawakan ang buhok nya sa likod ng ulo nya. “Wrong move wurugaki” sabi ko pa at isinubsub ang mukha nya dun sa may putik [Wurugaki means brat] “Di porket marami kang kasama eh malakas ka na” dagdag ko pa at tiningnan ko ang mukha nya na punung puno ng putik “Don’t mess with us okay ?” ngumiti ako ng nakakaloko at inihampas ang mukha nya sa lupa.
“Hay naku kahit kelan talaga basta may naghahamon sa kanya di nya inuurungan” sabi ni Kath at lumapit samin “Patingin nga ng mukha nya” sabi nya at ipinakita ko naman “Hala naman Sophia, ang brutal mo naman sa kanya” natatawa nyang sabi at inirapan ko lang naman sya “Pagbabayaran nyo to” tinatakot ba ako nito ? Pwes di ako natatakot sa kanya “ Pagbabayaran ? I'll show it to your face soon and please try not to look down as you might miss the moment.” Sabi ko at ngumiti sa kanya at saka ko binitawan ang mukha nya “You know what ? Mas maganda pa ako kesa sa inyo” that line make us laugh, ghad hahahaha she’s full of confident ha ? “You know what too ? Your beauty is like a thesis, kailangan pang idefend” pagsabi ko nun tumayo na ako at naglakad papunta sa boys “Don’t do this again” dagdag naman ni Cold habang karga karga si Anthea.