Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa video world pinagtinginan na agad kami, akalain mo yun sikat din pala ang lalaking kadate ko sa mga babae? Kahit pala napakatahimik ng lalaking to may ibabatbat naman pala kila Cold sa dami ng fans hahaha "Saan mo gusto maglaro?" tanong nya sakin at nilibot ko naman ng tingin ang buong video world. Tapos bigla kong nakita yung nilalaro ng mga bata, yung taken ba yun? "Yun yun!" matagal ko na kasi talagang gustong subukan yun kaya lang nakakahiya noon dahil puro bata ang naglalaro nun. Natawa naman sya sakin kaya napatingin ako at nag pout "Problema mo?" tanong ko sa kanya at mas lalo pa syang natawa, ang cute ng tawa nya buti na lang ako ang dahilan kung hindi makakapatay ako ng tao. For the second time nagdadamot ako ng lalaki bwisit. "Para ka kasing