Celestine's Point of View I couldn't sleep the whole night. I kept on thinking about Sarah and what she would say to me when we see each other. Hindi mawala-wala sa isip ko ang posibilidad na tuluyan siyang magalit sa akin; na baka magbago ang paningin niya sa akin. Funny of me to think that way, eh, nagawa ko ngang maging kabit ng boyfriend niya. She would certainly loathe me when she finds out about us. Napapikit ako. I don't want that to happen. Ayokong kamuhian ako ng kapatid ko. She's the only family I have and I couldn't afford to lose her. Hindi ko kayang isipin na magkahiwalay kami; na dumistansya siya sa akin. Siya na lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas ngayon. Huminga ako nang malalim bago ibinagsak ang katawan sa kama. Tumingin ako sa puting kisame at dahan-dahang pumikit. "

