Sarah's Point of View Taas-baba ang aking balikat kasabay ng malalalim na pagbuga ko ng hangin. Nanginginig sa inis at galit ang mga kamay ko habang nakatingin sa magulong living room. Inihagis at ibinato ko ang lahat ng pwede kong mabuhat dahil sa labis na galit. I was trying to hold it in and just let it out calmly pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang kumalma matapos kong marinig ang sinabi ni Soul. He can't leave me! Hindi ako papayag na iwan niya ako. I will never sign the annulment papers if ever it happens na seryosohin niya. I worked hard just to have him. Ang dami kong sinakripisyo makapiling lang siya; maikasal lang sa kanya, and I will never let it all go down to waste. Hindi pwede. Lalo na ngayon. Napaupo ako sa sofa bago huminga nang malalim. Ilang beses akong lumunok ng

