Celestine’s Point of View “Ayos ka lang ba?” Napatingin ako kay Soul nang bigla siyang magtanong sa akin. Malambing ang boses niya at bakas ang pag-aalala. Saglit niyang itinabi ang sasakyan para lang tingnan ako . “Is there something wrong?” tanong niyang muli nang hindi ako makasagot. Lumingon ako sa likuran para tingnan ang anak ko, at mabuti na lang ay nakatulog na ito. Muli kong hinarap si Soul bago tumango. “Oo, ayos lang ako.” “You know you can’t lie to me, Celestine,” aniya bago ako tinitigan sa aking mga mata. “Kanina pa kita napapansin na hindi ka okay. I think you even cried earlier,” dagdag niya at akmang aabutin na sana ang pisngi ko pero mabilis kong iniatras ang mukha ko at iniwas sa kamay niya. Marahan siyang napatango bago niya naikuyom ang kamay niya. “I...I am sorr

