Celestine’s Point of View Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Soul sa akin. Gusto ko siyang sagutin, pero hindi pwede. Alangan naman na sabihin ko sa kanya na hindi totoo ang mga sinasabi niya—na naka-move on na ako; na nakalimutan ko na siya pati ang nararamdaman ko sa kanya. I can’t tell him that, dahil mas lalo lang magiging komplikado ang mga bagay-bagay. This is for the best of everyone; for the common good. Tumango ako sa kanya bago ko inilapit ang mukha ko para magdikit ang aming mga labi, at para na rin maitago ko mula sa kanya ang sakit na unti-unting nagpapakita sa mukha ko. I don’t want him to see me in pain and get him start to wonder why. Magkukunwari na lang akong sinasakyan ang gusto niya kahit na tila dinudurog ang puso ko.

