Celestine’s Point of View “Mama?” Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ng anak ko. Ang kaninang lakas na nawala sa akin ay mabilis na nanumbalik kaya nagawa kong itulak nang malakas si Soul at halos sumubsob siya lamesa, mabuti na lang at nakahawak siya sa upuan. Agad akong bumaba sa counter at mabilis na inayos ang sarili ko. I looked like a freaking mess, kaya nagsuot na lang ako ng apron. Sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang aking mga kamay. Bumuga ako ng hangin bago dali-daling tinungo ang kwarto ni Sullivan. “Y-Yes, anak?” tanong ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang init ng pisngi ko dahil sa hiya. Nawala ang lahat ng libóg na nararamdaman ko at napalitan ng pagkataranta at labis na hiya. Mabuti na lang talaga at hindi lumabas si Sullivan pa

