Sarah's Point of View I couldn't hold my act. Pagkalabas ko ng gate ng bahay nila Soul ay kusang bumagsak ang katawan ko. I feel so much pain that I am having a hard time breathing. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan na ginamit lang ako; na niloko ako ng taong akala ko ay mahal ako; ng taong tumulong sa akin upang makita ang ganda ng pag-ibig, kung gaano kasarap magmahal. Hindi ko kayang tanggapin. At kahit kailan, hinding-hindi ko matatanggap ang pambabasura niya sa akin. I will make sure that he will pay for what he did to me. Gusto ko siyang saktan. I want to ruin his life like how he did to me, pero hindi ko 'yon kaya. I love him so much that it also pains me to even just think of

