Celestine's Point of View Napabuga ako ng hangin bago pumikit. Sumasakit ang mata ko habang tinitingnan ang mga taong pabalik-balik ng lakad sa paligid ko. Everyone in the house is busy. Simula nang magising ako ay hindi ko pa nakikita si Soul o kahit sinumang miyembro ng pamilya. Ang unang bumungad sa akin ay ang glam team na kinuha ni Tita Amethyst para asikasuhin ko, para ayusan ako at gawing pinakamagandang babae sa araw na ito. "Ma'am, let's start na po? You need to be ready an hour before we go," sambit sa akin ng make-up artist bago niya sinenyasan ang mga kasama. Agad na pumalibot sa akin ang tatlong babae at sinimulan akong ayusan. I did what they wanted me to do. Hindi na rin naman bago sa akin ang mga ganito dahil sanay na akong inaayusan. Habang inaayusan nila ako ay pumas

