Celestine's Point of View “Mama, why can’t we go with you?” tanong sa akin ni Sull sabay kapit sa laylayan ng damit ko. Nanunubig ang bughaw niyang mga mata habang nakatingin sa akin at nakanguso. “Will you really leave me and Aggy here?” Huminga ako nang malalim bago binitawan ang maletang hawak ko. Palabas na sana ako ng kwarto nang pumasok si Sull. Yumuko ako at niyakap siya nang mahigpit. “Mama and papa will just be away for a week, anak. We will be right back,” mahinahong paliwanag ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at matamis na nginitian. “I believe you and papa already talked about this, didn’t you?” “We did.” Tumango siya bago ngumuso. “But I...” “Lolo and lola will be here with you,” sambit ko sabay ngiti. “They will look after you fo

