Celestine's Point of View Ilang buwan na rin matapos mag-propose ni Soul. Mula ng araw na ‘yon ay mas naging mainit ang pagtanggap sa akin ng mga magulang niya, lalong-lalo na si Tita. Pansin kong mas naging close kami lalo na’t siya ang gumagabay sa akin sa pagbubuntis ko. Siya ang sumasama sa akin tuwing may check-up ako with my OB at siya rin mismo ang sumisigurado na safe ang pagbubuntis ko. I couldn’t help but to appreciate her more with her acts. Hindi ko rin mapigilang ma-miss ang namayapa kong ina dahil sigurado akong magkakasundo sila ni Tita. Na-miss ko bigla ang aruga ng isang ina dahil sa mga ginagawa ni Tita sa akin. “You’re getting bigger, Agatha,” sambit ko habang nakaharap sa salamin at hinihimas ang tiyan ko. “Huwag mong pahirapan si mama once na lalabas ka na, ha?” dagd

