Celestine's Point of View Agad na bumungad sa akin ang puting kisame pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko. Kasunod no'n ay ang pagkukumpulan ng mga tao sa paligid ko. Agad na kumapit sa akin si Sullivan nang may nag-aalalang mukha. "Mama, are you okay?" Sunod namang lumapit sa akin si Soul na imbes na mag-alala ay malaking ngisi pa ang nakapaskil sa pagmumukha. "Ayos ka lang ba?" Hindi ko napigilang mapairap sa kanya dahil nabubwisit ako sa pagmumukha niya. "Bakit mukhang masaya ka pa na nawalan ako ng malay?" Umiling siya sa akin. "That's not it. Nag-alala kaya ako sa 'yo kanina. You don't know how fast I ran the moment I heard my mother screaming for help after you passed out," aniya kaya mabilis akong napatingin sa paligid para hanapin si Tita Amethyst. And there, I saw her

