Celestine’s Point of View “Mama, when will Mr. Soul come and visit us again?” tanong sa akin ng anak ko. Kasalukuyan kaming nasa sala at nanonood ng paborito niyang cartoons. Yakap-yakap niya ako habang nakadantay ang binti niya sa aking tiyan. “Do you miss him?” tanong ko. “Opo, mama. I miss him already. I want to see him so bad,” aniya at tumingin sa akin. Nang tingnan ko siya pabalik ay ngumuso siya. “Can you ask him to come na?” Lagpas isang linggo na kasi magmula nang umuwi si Soul, at walang ibang bukang bibig ang anak ko kundi siya at kung kailan siya babalik. Noong una ay naiinis pa ako; hindi ko mapigilang magselos dahil bakit pa niya hahanapin si Soul, eh, nandito naman na ako. I can also do what he can. Pero kalaunan ay napagtanto ko na hindi ko kayang ibigay ang naibibigay

