Celestine’s Point of View Hindi ko magawang tingnan nang matagal ang kapatid ko at si Soul. Kung dati ay kaya ko pang hindi pansinin ang tamis ng pagsasama nila, ngayon ay hindi na. Surrendering myself to Soul was nothing but a bad idea. Now, I can no longer get him out of my head. Hindi ko magawang kalimutan ang panandaliang koneksyon na naramdaman ko nang mag-isa ang aming mga katawan. One week of being away didn’t really help “May napili ka na, ate?” tanong sa akin ni Sarah. “O-Oh...” Masyadong natuon sa kanila ang pokus ko kaya hindi ko nabasa ang menu. Dali-dali akong pumili. “I’ll just have this one...” sambit ko sabay turo ng kahit na anong matapatan ng kamay ko sa menu ng mga pasta. “Pasta na naman?” natatawang tugon ng kapatid ko. “Hindi ka ba nagsasawa, ate? Try something new

