Celestine’s Point of View Kakatapos ko lang kumain. Hindi ko naubos ang in-order ko dahil nawalan ako ng gana matapos ng pag-uusap namin ni Soul. I kept on thinking about Sarah, and what she might feel if she happened to hear his words back there. Hindi ko maalis-alis ang guilt na nararamdaman ko. In fact, palala na ito nang palala, and I hope I’ll find a way to solve it soon, bago pa man ito mapansin ng kapatid ko—bago pa man magulo ang kanya-kanya naming mga buhay, dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon. Babalik na sana ako ng kwarto dahil wala ako sa mood para magliwaliw at i-enjoy ang beach. Pero natigilan ako nang bigla na lang sumulpot si Sarah na may malaking ngisi sa kanyang mga labi. “Ate!” tawag niya sa akin bago siya mabilis na kumapit sa braso ko. “I ju

