Chapter 28 Halos tumakbo si Gelyn papasok sa event centre kung saan gaganapin ang isa sa pinakamalaking show at oportunidad para sakanilang mga small business owners. Maraming tao sa buong activity centre pagkapasok niya roon. Sinalubong agad siya ng malamig at maingay na kapaligiran. Halos mapuno ang event center na iyon. Dinayo pa talaga ng taga ibang siyudad ang event na ito dahil minsan lang mag alok ng investment program ang mga big investors sa bansa. Marami nang tao ang nakaupo at nakikinig sa speaker na nakatayo sa gitna ng intablado. Marahil ito ang taga-pagsalita ng show na iyon. Hinanap agad ng kanyang mga mata kung nasaan ang mga empleyado niya. Lima lamang ang empleyado ng restaurant na pag aari niya. Ang dalawa sa mga iyon ay si Che-Che at Cha-Cha. Kambal ang mga ito