Chapter 22 "Hi Gelyn!" Dahil maganda ang mood ni Gelyn ng araw na iyon nginitian niya rin si Harold ng batiin siya nito. Kasalukuyan silang nasa loob ng kanilang classroom habang hinihintay ang kanilang professor. "Hi!" Ganting bati niya Napataas naman ang kilay ng mga babae niyang kaklase. Wala siyang naging kaibigan kahit isa sa mga kaklase niya bukod kay Harold. Paano ba naman abot langit na siguro ang ingit at inis sakanya ng mga kaklase niya. Palagi naman kasi siyang nilalapitan ni Harold kaya lalong umuusok ang ilong ng mga babae sa paligid. Paano pa kaya kapag nalaman nilang hinalikan ako ni Zach my love? Hindi lang once but twice! Baka maloka na sila? -- Pilya siyang napangiti sa kanyang naisip Magandang maganda ang araw niya dahil simula kagabi ng umuwi siya sa kanyang ba