Chapter 15 "Quiet!" Nagsitahimikan ang mga studyante sa loob ng silid aralan na pinasukan ni Gelyn dahil sa munting saway ng guro. Kasabay niyang pumasok doon ang kanyang napakagandang guro. Balingkinitan ang katawan nito at hindi mahahalata ang edad nitong nasa kwarenta na. Mukhang mabait ito dahil inalok nitong mag sabay silang pumasok sa classroom na pagtuturuan nito. Para kasi siyang ligaw na pusa sa malaking campus na iyon. Mabuti nalang at napansin siya nito at nagpakilala. Nagkataon naman na ito pala ang magiging adviser niya. Nagbulungan ang mga kaklase niya nang mapansin siya ng mga ito. Mula ulo hangang kanyang paa kung makatingin ang mga ito sakanya kaya mas lalo tuloy siyang kinabahan. Napapataas din ang kilay ng karamihan sa mga babae. Parang kakainin ako ng buhay ng