Chapter 32 Buong araw na bored si Gelyn sa condo ni Zach dahil umalis ito kaninang umaga at hindi pa ito bumabalik kahit mag gagabi na. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Hindi naman kasi ito nagpaalam sakanya at mukhang galit pa nga ito. Nakatangap lang siya ng text mula dito at pinalilinis nito ang buong condo nito maliban sa kwarto nito. From Zach : Clean the house and cook for my dinner. Just don't get inside my room. Just Don't... Wala naman siyang lilinisin dahil malinis naman ang buong condo nito. Kaya minabuti niyang mag luto ng ulam na kakainin nila kahit maaga palang. Nakatulog tuloy siya pagkatapos niyang magluto. Hindi niya namalayan ang oras at mag gagabi na pala. Naligo na siya at nagpalit ng damit pambahay. Pinili niya ang kanyang pambahay terno short at blouse