Chapter 10 "Palabiro ka pala hija!" Sa tuwing napapatawa niya ng malakas si Mrs.Hoffman pakiramdam niya nagwawagi na siya sa puso nito. Halos dalawang oras palang sila nagkukwentuhan ngunit nakasundo niya na agad ito. Kahit gaano ito kayaman nananatili parin itong simple at walang arte sa katawan, Kaya naman madali lang din silang nakapalagayan ng loob nito "Maiba ako hija, mag college kana sa susunod na pasukan?" "Opo tita" Sagot niya pagkatapos niyang sipsipin ang straw ng orange juice na hawak hawak nya. "Saan ka mag aaral hija?" Busog na busog na siya sa dami ng miryendang kinain nila. Ngunit mas busog na busog ang mata niya dahil wanto-sawa niyang natititigan si Zach Hoffman! Naka-upo lang kasi ito sa sofa habang may binabasang libro. Nakisalo naman ito kanina habang na