Kabanata 21

1325 Words

Labing-anim na taong gulang pa lamang ako noong mahuli ko si Mama kasama sa loob ng bahay namin kasama ang isang kumpare ni Papa na noon ay naninirahan sa may tabing bahay namin. Dahil kaibigan ni Papa ay naniwala ako noong sinabi ni Mama na ito raw ay naroon para hintayin si Papa; kahit pa nga may iba na akong kutob at hindi maganda sa paningin ang naabutan kong posisyon nilang dalawa. “Napakasarap magluto ni Anna kaya ma-swerte ka na naging asawa mo siya, Pre,” pamumuri ni Kuya Gringgo sa kanilang dalawa. Tumawa lang si Papa roon habang si Mama naman ay nagbaba ng tingin animoy nahihiya. Ang mga mata ko ay sa kanilang dalawa lamang nagpapalit-palitan ng tingin. “Kung kaya nga ba ipinipilit ko na mabigyan ng masayang buhay si Misis kahit mahirap. Gusto kong lagi siyang maligaya dahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD