ASTARR POV I slept well last night at nakuha ko pang tanghaliin ng gising.. Inabot ko kaagad ang digital clock sa aking bedside table at alas dos na pala ng hapon. I am feeling really happy and contented knowing na nasa tabi ko lang ang lalaking nagpapatibok ng aking puso ng paulit ulit. Minsan sumasagi sa isip ko, paano kung ako nalang ang kumausap kay Dad na si Thor nalang ang ipakasal sakin sa ayaw nya at sa gusto? I smiled with that thought and hurriedly stood up dahil nagugutom na rin ako. Wala na si Thor sa kama ng makatayo ako, siguro ay tumayo na ito kaya dali dali na akong lumabas ng kwarto para hanapin sya sa sala. Wala sya sa sala, sa CR, sa garden at kahit sa labas. I went to the kitchen to grab a glass of water dahil ninenerbyos na ako. Nagulat ako at may nag aantay palang p