Halos mabingi sila Astarr sa sigaw ng kanyang ama ng makita si Thor na bumababa sa hagdan. Hindi pa kasi nito nakikita si Astarr dahil nasa likod iyon ni Thor. Binuksan ni Steep ang pinto upang makapasok ang matanda at hinarangan ang dalawang body guards nito ng akmang susunod sa kanilang amo. Nagpupumilit pa sana silang pumasok ngunit tuluyan na silang umatras palabas ng humarang si Thor sa pintuan. "Astarr!!!" Malakas na sigaw ng matanda. Samantala, si Astarr ay nahinto sa kanyang pagbaba dahil sa takot na nararamdaman nya sakanyang ama. Never in her whole life na sinigawan sya nito o pinalo kahit noong sya ay bata pa. "Astarr. Don't let your dad wait here." Narinig nyang tawag ni Thor. Tila nagkaroon sya ng lakas ng loob ng marinig ang boses niyon, para bang sinasabi nito na hindi sya