Hindi mapakali si Thor habang nakasakay sa kanyang private jet pabalik ng New York. Hindi na nya mapapatawad ang kanyang sarili kung sakali mang hindi na nya makita si Astarr at lalo na kung may mangyaring hindi maganda doon. Gusto nyang ihulog sa eroplano ang kanyang sarili sa sobrang pagkainis. Paulit ulit na nag peplayback sa kanyang utak ang boses ni Astarr. He is damn sure in love.... With his brother's fiance... That's the hardest part of it. Mariing ipinikit ni Thor ang kanyang mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili so he could sleep. Tila isang taon para kay Thor ang tagal ng kanyang siyam na oras na byahe from Venice. Alas Tres ng madaling araw ng makarating sya sa apartment ni Astarr and to his surprise, she's hot there. Parang sinisilihan sa pwet si Thor dahil sa nerb