Alastair's POV Mabilis ang aking paggalaw. Ramdam na ramdam ko ang kanyang panghihina. Sa puntong ito ay alam kong kailanman ay hinding-hindi na niya ako magagawa pang labanan. Wala na siyang natitirang lakas. Ni pagtulak niya sa akin ay madali ko na lang iyong napipigilan. "Tapos ka na ba, Augustus? Ako naman?" Mula sa aking pagngiti ay marahan kong inilabas ang galit sa aking sarili. Walang kahirap-hirap ko siyang itinulak dahilan upang mabilis siyang tumalsik at tumama sa pader nitong palapag. Halatang-halata mula sa kanyang mga mata ang panghihina. Ang panghihina nitong kailanman ay alam kong hinding-hindi na ako magagawa pang labanan. Mabilis ko siyang sinundan. Walang awa ko siyang inatake. Ngayon ay nais kong iparamdam sa kanya ang aking lakas. Nais kong iparamdam sa kanya na n