Cassius' POV "Akala ko ba ay ayaw ko ng gulo panginoon? Ano ang ginayawa ng mortal na iyan dito?" Tanong sa akin ng aking kawal. Napabaling ako ng tingin. Sa puntong ito ay naaninag ng mga mata ko si Cecilla na ngayon ay panay ang paglibot sa buong tanggapan nitong palasyo gamit ang kanyang mga mata. Alam kong sa puntong ito ay maraming tanong ang nabubuo sa kanyang isipan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan ang iwasan siya. Sa tuwing nakatitig ang aking mga mata sa kanyang presensya ay mahihirapan na akong alisin iyon. Para siyang isang liwanag sa madilim na gabi. Ang kanyang presensya ay siyang nagpapabuhay ng aking sistema. Mula sa mortal na itinakda ay bumaling akong muli sa aking kawal. Sa puntong ito ay nakatitig lamang ang kanyang mga mata sa akin. Napatingin na rin