Hindi magawang mapakali ni Veronica. Hindi niya magawa ang manahimik lalo pa sa tuwing mag-isa siya ay palaging ang nilalang na iyon ang tanging nasa kanyang isipan. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang hatid ng nilalang na iyon sa kanyang isipan at nararamdaman. Kung tutuusin ay hindi niya pa ito kilala at mas lalong hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ito. Kung nakakatakot ba ito o kung mapanganib. Ngunit ganoon na lamang ang hatid nito sa kay Veronica. Walang oras anng hindi niya maisip ang imahe nito at ang tagalay nitong kakayahang siyang mas nagpapagulat nang husto sa kanya. Napatingin si Veronica sa kanyang kasamahan. Masaya nitong inaayos ang kanilang mapanatilihan. Muli na namang sumagi sa isipan ni Veronica ang lalaking iyon. Alam niyang kailanman ay hindi niy