Miranda’s POV Hindi siya nagsalita sa halip ay nanatili lang sa aking mga mata ang seryoso at mapanuyo niyang mga tingioon. “Sino ka ba talaga? Alam kong may kinalaman ka sa nakasulat dito.” Mahinang sambit ko. Ilang minuto kaming nanatiling nakatitig sa isa’t-isa. Ilang minutong ramdam na ramdam ko ang katahimikang namamalagi sa aming dalawa at hindi ko alam kung bakit ni isang salita ay hindi siya nagbitaw. “Augustus…” ang tanging lumabas sa aking bibig at kasabay ng pagbitaw ko sa salitang iyon ay ang pagkagulat ng kanyang ekspresyon ngayon sa aking harapan. Hindi siya nagsalita sa halip ay mas lalo lang naging seryoso ang kanyang paningin sa akin. Pansin na pansin ko ang bawat pagtiim ng kanyang bagang at hindi ko maiwasang manibago doon. Na animo’y labis na lang ang