Paano kaya kung babae ang una kong anak? Tapos ganito kaming dalawa? Sobrang saya siguro non. Tapos si Anjoe laging kukuha ng litrato samin parang sa mga nakikita ko kay Marian Rivera at sa anak nyang maganda. Yung lagi silang parehong suot, tapos ganon din kami ng anak ko. Ibahin ko siguro pangalan n'ya hindi yung naisip ko. "Seah Angel." i whispered. Anjoe would love that name for sure. Nag patuloy ako sa pag lalakad habang hawak hawak parin ang payong. Inayos ko ang buhok ko at saka ko lang napansin na may napapatingin pala sakin. Kaya naman nag pasya na lang ako bumalik dahil baka may makakilala sakin dito dahil noong engagement namin ni Anjoe ay kalat 'yon. Mabilis akong nakarating sa hotel at saka umakyat don. Nakasalubong ko pa si Aling Celina na dala dala ang mga marumi ko.