Dumating na ang araw na pinaka hihintay ko. Wearing the strapless long gown na may design na kumikinang. Nakangiti akong nakaharap sa salamin habang tinitignan ang sarili ko. My black straight hair also my light make up for tonight. Sinabi ni Anjoe lahat ng gusto n'yang ayos sakin na sinunod naman ng make up Artits. Minadali ang pag gawa sa gown ko pero maganda parin. Lalong lumutang ang kulay ko sa suot kong gown, si Tita Mel, Gabriella, Ayana, Kyla and Mommy Mj ang gumawa ng Gown ko. Kaya pala busy silang lahat dahil sa gown ko na pinag kaisahan talaga nila. Hindi man nila hiningi ang opinion ko, pero di naman ako nag sisi dahil sa ganda. Huminga ako ng malalim at saka umikot. Kinuha ko ang pouch ko at bumukas ang pinto ng kwarto sa isang hotel. Bumungad sakin sila Sakenah, Diana, Lan