Pumayag si Mommy at Tito Andrew sa kagustuhan ni Andrea. Kaya naman one week pa ang hinintay namin bago kami nag enroll sa musical class. Kasama ko si Andrew at Andeng na may dala ding papel. Maraming napapatingin sakin hindi mali, kay Andrew pala. Tahimik lang ito sa tabi namin habang suot suot ang kanyang headphone. Para bang wala 'tong pakielam sa paligid. Nag simula na kaming pumila ganon din si Andrew kahit naman hindi sya kasama dito. Hindi naman awkward sa pagitan namin ni Andrew. Nakakapag usap kaming dalawa pero di tungkol sa anak ko o samin ni Anjoe. Tinatanong nya ko kung ano gusto ko o san ko gusto mag punta. Sinabi daw kasi ng daddy nya na wag ako hayaan mabored kaya naman sa buong linggo na 'yon ay kung ano ano pinag gagawa namin. Pero madalas ay kumain kami sa bahay na