Nang makarating na kami sa Musical class ay agad kaming pinag titinginan. Sino ba naman kasi ang hindi? Dalawang Van ang nakasunod samin at puro security pa ang laman. Kinuha ko na kay Anjoe ang shoulder bag ko at nauna akong pumasok. Tumingin pa ko sa kanya na ngayon ay nakasunod sakin. "My kiss." Mabilis akong tumingkad para bigyan sya ng isang halik sa labi. Mabilis din akong tumalikod paliko sa kana at sakto naman nag tagpo kami ni Andrea sabay yakap ng mahigpit. "Kainis! Kung pwede lang umalis na tayo dito para safe ka!" naiiyak na sabi nya. May alam din s'ya sa nangyayari. Ayokong madamay si Andrea sa nangyayari sa akin. "Eh?" humiwalay sya sakin at saka tumulo ang luha nya. "Sinabi ko kay Mommy na aayain kitang pumunta ng London! Doon na lang muna tayo hanggang sa manganak k