39 Natakbo kaagad ni Keiko ang mga kapatid at ang Mami nya nang dumating sila sa ospital bago sya pumasok sa eskwelahan. Buo ang pamilya nya ngayon at napaiyak sya nang makita na nakamulat na ng mata ang Papi nya. "Papi!" nayakap nya ang ama sa katuwaan. He patted her back. "Oh, no need to cry Princess. I'm doing good. Kahit mataba ang Papi, magaling pa rin umilag." Natawa sya sa sinabi nito. "You were shot. How can you even say magaling kang umilag Papi?" pinahid niya ang mga luha. "Kasi muntik daw tamaan ‘yong kidney ko, buti nakailag ako." anito sa kanya. Nginitian nya ito. Her Papi is really a bad joker. His eyes searched the entire room. "Where is Lyeon?" "He's outside Papi." aniya. "Call him." anito kaya mabilis syang lumakad papunta sa pinto. She opened it at kaagad na nags