34 Napadako kaagad ang mga mata ni Lyeon kay Keiko na nakatayo sa may pinto. Hindi ito mukhang twenty one sa suot na black negligee. Gusto na naman niyang mainis dahil bukod sa napakaikli na ay wala man lang kahit anong ibang suot na pang ibaba. Prente pa itong nakatayo sa may pintuan. Saan naman kaya ito kumuha ng ganoong saplot? Ang alam niya ay puro pang teen ager ang mga damit pantulog nito na puro hello kitty prints. At ngayon sa isang pasada lang ng mga mata niya rito ay nanginginit na kaagad sya. Putcha talaga! Di ba alam ng babaeng ito na nakakaakit sya? "Pinahiram ko sya ng damit CL para naman maiba." nakangisi na sabi ni Emerald na naghihintay din sa asawa na kasusunod naman niya. Nginitian sya ni Keiko na para bang walang nangyari kaninang misunderstanding sa pagitan nila.