31 Daig pa ni Keiko ang nakasakay sa ulap habang inaayos ang mga damit sa bag niya. Basta nya lang kasi iyon isinaksak kanina dahil sa pagmamadali pero di matanggal sa utak nya ang tungkol sa kasal na inalok na sa kanya nang personal ni Lyeon. Kahit walang singsing di bale na, bastat engage na sila. Yun na yun. Nakita nya ang phone na nakasaksak pa rin sa power bank na dala niya. She turned on the gadget. Kanina pa pala naka off at di na niya naasikaso dahil sa kaulitan ni Lyeon. Omg! Daming messages. Nasambit ng utak nya nang makita na sunud sunod ang emails niya. Napakunot noo sya nang makita na galing kay Axel ang isang message roon na sa sim card pumasok. Look at he pix I sent you. Ayoko na mabigla k but I think u hav d ryt 2 knw and prove urself dat I'm telling d truth about CL a