22 Pabali balikwas si Keiko sa higaan. Pihit doon, pihit dito. Naisisiraan na siya ng ulo. First time itong mangyari sa buhay niya na di siya makatulog dahil sa isang lalaki. Sira ulo ka na Keiko. Dati ka ng sira ngayon mas pa. Sumulyap siya sa orasan, it's 10:30. "Omg! Di na yata ako makakapasok bukas." kausap niya sa hangin. Buti na nga rin siguro na hindi siya makapasok para di niya makita si Lyeon. Baka kapag iniwasan niya ang lalaki ay mawala ang pagkabaliw niya roon. Pero kaya ba niya? Omg! Parang hindi! "Baby!" kasabay na naman ng boses na iyon parang kinulob sa banga ay ang isang katok sa ceiling to floor glass door niya. Kaagad siyang napatingin doon at hindi kilig ang naramdaman niya kundi kaba. Shuts! Bakit kinakabahan ako sa presence niya? Saglit siyang nag-isip kung