54 Dumaong ang yate sa isang lugar na pamilyar na kay Keiko pero hindi niya inasahan na dadanan niya ang mga magulang niya sa pampang. Full force ang security ng ama niya at naroon iyon nakikita niya,malaki ang tiyan habang naka barong. “Lyeon, unang beses na nagalit ako sa'yo!” malayo- layo pa ay sabi na niyon sa inaanak kaya napahagikhik siya. “Hala ka.” Aniya pa sa binata na napakamot sa ulo. “Sorry, ninong.” “Aatakihin ako sa puso. Ikaw pala ang nagkapakidnap sa bunso ko at kasabwat mo pa ang lintik na Macky na ito.” Aniyon naman na itinuro ay si Macky. Parehas iyon ng reaksyon kay Lyeon saka nagkatinginan ang dalawa. But Lyeon is so firm, kitang kita ang tigas ng determinasyon niyo nang tumingin at ngumiti sa kanya. At least naman napatunayan din niya na hindi komo at mahal na