49 Ibinalibag ni Lyeon ang pinto at rinig na rinig yun ni Keiko pero wala syang pakialam. Humakbang sya papasok sa loob ng mansion nila at isinalya kay Mang Tibur ang susi ng kotse. "Keiko!" tawag sa kanya ni Lyeon pero dire diretso sya. Kita niyang nagkatinginan ang Mami at Papi niya matapos pagmasdan ang lalaking nakatapi ng twalya ay nakarating sa bahay nila ng ganoon ang hitsura. "S-Sorry ninong, ninang. Naliligo kasi ako nang dumating sya kaya nahabol ko sya ng nakaganito ako." explain nito sa mga magulang niya. This time gusto niyang matawa sa kaisipan na yun na nakasugod ito roon ng ganoon ang hitsura pero wala sya sa mood na tumawa. She's badly hurt. Di lang yun halata pero it's killing her inside. That scene keeps on playing in her mind at ang kaisipan na nag-aangkas ito ng