Halos hindi makapaniwala si Melissa na nagawa niyang ipagkaloob ang sarili sa lalaki, ngayon umaga na. Naghahanda ng almusal si Jarred habang siya naman ay nakaupo sa mesa at umiinom ng tsaa. Pinagtimpla agad siya nito ng tsaa pagkagising niya, may pa-kiss sa lips pa nga ang mokong. Kakahiya, wala pa nga siyang toothbrush eh, pero sarap na sarap pa ang loko. Patuloy lang siya sa paghigop ng tsaa habang nagmumuni-muni at nagmamasid sa magandamg tanawin. Ang lalaki naman ay pasipol-sipol pa habang nagluluto, tila sayang-saya nito. Ganado sa ginagawa, samantalang siya itong walang lakas, masasakit ang katawan at tila ba lalagnatin dahil sa mga pinagagagawa nito sa kanya kagabi. Hindi rin sila nagising ng maaga gaya ng usapan nila, halos madaling araw na sila natapos na dalawa. Parang wa